WELCOME TO ADVENTUROUS TRAVELER'S BLOG
By: Wincell M.
Bumagat
Bilang isang teenager, isa sa aking
mga gustong gawin sa buhay ay ang makapagtravel o makapaglakbay sa iba't ibang
lugar dito sa bataan. At ang isa dito ay ang Corregidor. Ang pangalang ay nagmula
sa salitang español na "corregir", na ang ibig sabihin ay itama.
Isang istorya na nagpapatunay ay noong panahon ng pamumuno ng mga español kung
saan ang lahat ng mga barko yna papasok sa manila bay ay kinakailangang tumigil
at ipakita ang lahat ng kanilang dokumento upang suriin at itama, ang isla ay
tinawag na "Isla del Corregidor" (Island of the Correction). Ang isa
pang bersyon ay, kung saan ang isla ay ginagamit para sa intitusyon ng
pagpepenitensiya o pagtatama ng mga Español at tinawag na "El Corregidor".
Marami sa atin ang hindi nakakaalam kung gaano kalaki ang naiambag ng
Corregidor sa panahon ng pananakop ng mga Español. Dahil dito kaya maraming
maaring puntahan sa Corregidor.
Upang makapunta ng Corregidor
kailangang bumiyahe ng isang oras sakay ng isang ferry mula sa boat terminal sa
Pasay. At habang nasa ferry, mayroong ipapakitang dokyumentaryo tungkol sa
naging papel ng Corregidor sa World War II. Kapag ikaw ay titingin sa labas ng
bintana ng ferry maari mong makita ang kamangha manghang tanawin ng Roxas
boulevard at ang Manila Bay.
“ Limang lugar na madalas pinupuntahan ng mga turista sa Corregidor
Island”
Una: Pacific War Memorial-
ito ay naitayo noong 1968, na kung saan ang halagang nagastos ng United States
government ay $3,000,000. Ito ay makikita sa pinaka mataas na lugar sa
Corregidor Island. Ang lugar na ito ay may altar at 40ft na steel structure na
tinatawag na "Eternal Flame of Freedom"- na sumisimbolo sa kagitingan
ng mga Amerikano at Pilipinong sundalo na nagsilbi at nasawi sa digmaan.
Pangalawa: Malinta Tunnel- muling naangkin ng United States ang Corregidor Island sa pamamagitan ng paghaharang sa pasukan ng Malinta Tunnel na mayroong mga pampasabog, at dahil dito maraming sundalong hapon ang hindi nakalabas at namatay sa loob dahil sa pagsabog. Ngayon, ito ay isang lugar kung saan dinaraos ang isang audio- visual presentation ng National Artist, Lamberto V. Avellana na kung saan pinapakita ang mga pangyayari na nangyari sa bansa noong panahon ng ikalawang pandaigdigang digmaan.
Pangatlo: Filipino Hereos Memorial- ito ang isang bagong dinagdag sa Corregidor Island na itinayo noong 1992 sa pamumuno ni President Fidel V. Ramos. Ang lawak nito ay nasa 6,000 square meters at 14 murals o wall paintings na nakalarawan ang Filipino's Heroic battles mula 15th Century at hanggang ngayon. Ito ay dinisenyo ni Francisco Mañosa, na kung saan ang murals at statue ng pilipino gerilya at gawa naman ni Manuel Casas' genius.
Pang-apat: Japanese Garden of Peace- itinayo para sa pagalala ng lahat ng sundalong hapon na nagsilbi a nakipaglaban sa Corregidor Island. Ang lugar na ito ay mayroong lugar para sa pagdarasal, shrines, markers at pavilion na mayroong larawan at relics ng nakaraan panahon.
Pang-lima: Corregidor Lighthouse- ito ay unang pinailaw noong 1853 at tinuturing na isa sa matatandang beacons sa Corregidor. Itp ay nasira noong World War II, pero muling inayos noong 1950s at ito ay pinapilaw sa pamamagitan ng solar power. Ang mga lugar na yan ay ilan lang sa mga maaring puntahan sa Corregidor Island.
|
|
"TULUGAN AT KAINAN"
Una: Corregidor Hotel- kung kayo ay nagugutom ito ang isang lugar na maaring puntahan. Sila ay nagaalok ng mura at sulit na mga kwarto.
Pangalawa: Corregidor Inn- ito ay makikita sa gitna ng Corregidor Island. Sila ay nagbibigay ng magandang serbisyo at kumportableng mga kwarto para sa mga turista. Ito ang tamang lugar para sa mga taong gusto ng tahimik at payapang lugar na malayo sa buhay sa manila. At kung ikaw ay nagugutom mayroon din silang restaurant na ang pangalan ay La Playa restaurant na naghahanda ng mga masarap na pagkain.
Para sa may gusto kakaibang historical at adventurous na paglalakbay ito ang tamang lugar para sa inyo. Kaya wag ng lumayo pa punta na sa CORREGIDOR ISLAND!!

















Walang komento:
Mag-post ng isang Komento